Lider ng transport group tinaniman ng 6 na bala

MANILA, Philippines - Halos sumabog ang ulo ng isang pangulo ng transport group matapos na pagbabarilin ito ng anim na beses ng mga hindi pa kilalang suspek kamakalawa sa Cotabato City.

Nasawi noon din ang biktima na kinilalang si Alimudin Lucman, 47-anyos, President ng Notre Dame Village Dri­vers and Operators Association matapos mapuruhan sa ulo.

Habang nasugatan naman ang pamangkin nitong si Mamudin Ayunan Aluy, 29-anyos.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-7:00 ng umaga ay kasalukuyang bumabagtas sa lugar ang multicab na minamaneho ng biktima at  katabi ang pamangkin.

Hindi alintana ng biktima na sila ay sinusundan ng mga suspek na nakasakay sa motorsiklo at pagtapat sa kanila ay  pinagbabaril ang una.

Nang masigurong patay ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga suspek.

Show comments