MANILA, Philippines - Utas ang isang binata habang isa pa ang sugatan makaraang tamaan ng ligaw na bala sa magkahiwalay na insidente sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Naisugod pa sa Jose Reyes Memorial Medical Center ngunit nalagutan rin ng hininga dahil sa tama ng bala sa kili-kili ang 18-anyos na si Joel Sumande, Criminology student, ng Josefina St., 3rd Avenue, ng naturang lungsod.
Pinaghahanap naman ng mga pulis si Francisco Martinez, 42, barangay tanod at residente ng BMBA Compound., 4th Avenue, ng naturang lungsod.
Sa ulat ng pulisya, nakaistambay ang biktima malapit sa kanyang bahay dakong alas-11:00 ng gabi nang sumiklab ang isang rambol sa pagitan ng grupo ng suspek na si Martinez at kalabang gang. Nagpaputok ng baril si Martinez ngunit si Sumande ang tinamaan.
Sugatan naman ang isang bata na inisyal na pinaÂngalanang “Boyâ€, 5-taong gulang, makaraang tamaan ng ligaw na bala dakong alas-9:30 ng umaga.
Nabatid na nakaupo ang biktima kasama ang ama nito sa tapat ng kanilang bahay sa may Gonzales Street, Caloocan nang umalingawngaw ang isang putok ng baril.
Nagulat na lamang ang ama ng bata nang makitang dumudugo ang tuhod ng anak na agad isinugod sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center.