MANILA, Philippines - Isa sa dalawang biktiÂma ng summary execution ang nabuhay nang siya ay magkunwaring patay habang ang kanyang kasama ay hindi nakaligtas nang sila ay pagbabarilin at itapon sa Port Area, Maynila, kahapon ng madaling araw.
Ayon kay Jayson Mellones, 19-anyos, vendor at residente ng #240 C RodÂriguez St., Balut, Tondo, nagpatay-patayan umano siya nang sila ay barilin pero nang umalis na ang mga sumalvage sa kanila ay saka siya tumayo at huÂmingi ng tulong para maÂisugod sa pagamutan.
Kasalukuyang ginagamot ngayon sa Gat Andres Bonifacio Memorial MeÂdical Center si Mellones dahil sa tinamong 3 tama ng saksak sa likod, isang daplis na tama ng bala sa ulo, mga sugat sa braso, katawan at ulo.
Ang kasama ni Mellones na si Aldrin OrdoÂnez, 23, vendor ay hindi nakaligtas sa ‘summary execution’ kung saan ay nadiskubre ng mga kabataang ang bangkay nito na nakasilib sa sako, sa Block 1 Dubai, Baseco Compound, Port Area, Maynila bandang alas-12:20 ng madaling-araw.
Isang Ricky Guinto ang nag-report sa pulisya sa biktimang nakasako na bukod sa sugat sa ulo dahil sa tama ng bala, ay napupuluputan din ng packaging tape ang bibig, nakasakal ang isang kulay itim na damit sa leeg , nakaposas ang kanang kamay habang sa kaliwa ay may nakagapos na pacÂkaging tape.
Itinuro ni Mellones ang tatlo nilang kabarkada na kilala lamang sa alyas na sina Daniel Ubila, Jobert at Dennis ang responsible umano sa pag-salvage sa kanila ni Ordonez.