MANILA, Philippines - Bulagta ang magsiyota makaraang pagbabarilin ng hinihinalang holdaper habang ang mga ito ay nagÂÂlalakad sa kalsada paÂtungo sa bahay ng kaÂnilang kaibigan sa MaÂrikina City kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni P/Senior Supt. Reynaldo Jagmis ng Marikina City Police ang mga biktima na sina Richard Maya-Maya, 19, construction worker at nobya nitong si CatheriÂne Rabulan, 16, buntis, kapwa residente ng Barangay Nangka, Marikina City.
Nagtamo ng tama ng bala ng kalibre 45 baril sa ibat-ibang parte ng kanilang katawan ang magnobyo.
Sa imbestigasyon ng Marikina Police, nabatid na ang insidente ay naÂganap dakong alas-8:00 ng gabi sa Barangay Nangka.
Sinasabing naglalakad ang mga biktima upang sunduin ang isang kaibigan sa Anastacia Village sa nasabing barangay nang lapitan sila ng di kilalang suspek na armado ng isang kalibre 45 baril.
Wala umanong sabi-sabing pinagbabaril ng suspek ang magnobyo na nagresulta sa agarang kamatayan ni Maya-maya.
Nagawa naman maÂkatakbo ni Rabulan pero siya man ay pinagbabaril din ng suspek. Nang makita pareho nang walang buhay ang dalawa ay saka kinuha ng suspek ang pera, cell phone at relo ng magnobyo at kaswal na nagÂlakad patungo sa isang naghihintay na sasakyan para tumakas.
Sa ngayon ay inaalam pa ng pulisya kung holdap nga ba o may iba pang motibo ang krimen.