MANILA, Philippines -Isang provincial sheriff officer ang pinagbabaril ng motorcycle riding in tandem sa harapan ng kanilang bahay kahapon ng umaga sa bayan ng Isulan, Sultan Kudarat.
Namatay noon din ang biktimang si Sheriff Officer IV Edwin Cabug ng Regional Trial Court (RTC) Branch 19 ng Isulan, Sultan Kudarat.
Batay sa ulat, bandang alas-6:25 ng umaga habang nagwawalis sa harapan ng kaniyang bahay ang biktima malapit sa highway ng Brgy. Sampao, Isulan nang sumulpot ang riding-in-tandem na mga suspek at agad na pinagbabaril ang biktima.
Mabilis namang nagsitakas ang mga suspek patungo sa hindi pa malamang destinasyon.
Sinisilip ng mga otoridad ang anggulo sa kaso na may kinalaman sa trabaho ng biktima.