Kawani ng BIR patay sa ambush

MANILA, Philippines - Idineklarang-dead-on-arrival sa ospital ang isang 39-anyos na lalaki na kawani ng Bureau of Internal Revenue (BIR) matapos itong tamaan ng mga bala sa likod nang pagbabarilin ng mga sus­pek na sakay ng van ka­hapon ng madaling-araw sa Sampaloc, Maynila.

Ang nasawi ay kinila­lang si Paul Parezo, 39-­anyos, may-asawa, resi­den­te ng no. 1313 Miguelin St., Sam­paloc, Maynila.

Mabilis na tumakas ang dalawang suspek na sakay ng kulay itim na Starex van na hindi naplakahan.

Batay sa ulat, dakong alas-4:15 ng madaling-araw ay minamaneho ng biktima ang kanyang Montero Sport at pagdating sa Laon-laan St., Sampaloc, Maynila ay pinara siya ng dalawang lalaki na bumaba ng nasabing van.

Paghinto ng biktima ay pinaputukan siya ng mga suspek kung saan tinamaan sa likurang ba­hagi ng katawan ang bik­tima at pagkatapos ang pamamaril ay sumakay muli ang mga suspek sa kanilang van at su­mibat.

Show comments