Tsinay utas sa ambush

MANILA, Philippines - Utas ang isang negos­yanteng Tsinay habang kritikal naman ang mister nito makaraang ambusin ng mga nakamotorsiklong armadong salarin kamakalawa ng tanghali sa Valenzuela City.

Hindi na umabot ng buhay sa Fatima Medical Center ang nasawing si Cristina Ong, 67-anyos, habang nilapatan ng lunas at inoobserbahan ang kalagayan ng mister na si Vicente Ong, 67, kapwa ng Canumay West, ng na­turang lungsod.

Sa inisyal na ulat ng Valenzuela City Police, dakong alas-10:30 ng umaga, sakay ng kanilang kotse at kalalabas lamang ng kanilang bahay upang magtungo sa kanilang pabrika nang harangin sila ng mga suspek lulan ng motorsiklo at pagbabarilin.

Mabilis na tumakas ang mga salarin habang sinaklolohan naman ang mag-asawa ng mga opis­yal ng barangay at isinugod sa pagamutan. 

Narekober ng pulisya sa kinaganapan ng krimen ang tatlong basyo ng bala ng kalibre .45 baril na siyang ginamit sa krimen.

Nagsasagawa ngayon ng masusing imbestigasyon ang pulisya at isa sa tinututukang motibo ng krimen ay may kinalaman sa awayan sa negosyo.

Show comments