MANILA, Philippine s- Patay ang isang holdaper habang sugatan ang kasama nito makaraang makipagbarilan sa mga rumispondeng pulis ilang minuto matapos holdapin ang isang dalaga sa Quezon City, kamakalawa ng hapon.
Sa ulat ni Quezon City Police District director Senior Supt. Richard Albano, nakilala ang nasaÂwing holdaper na si Joseph Pedroza, 18 ng #52 Mangga St., San Roque 2, Brgy. Bagong Pag-asa sa lungsod.
Sugatan naman ang kasama nito na si Jomar Baliza, 21 na ngayon ay naka-confine sa East AveÂnue Medical Center.
Ayon kay PO2 GilÂmer Mariñas, may-hawak ng kaso, ang napatay na holdaper at kasama nito ay positibong kinilala ng kanilang biniktima na si Sybell Megano, 32, ng #44-G, Roxas St., Brgy. Manresa sa lungsod na siyang humoldap sa kanya.
Sinabi ni PO2 Mariñas, ang ingkwentro sa pagitan ng dalawa at mga pulis ay naganap sa kahabaan ng Pieces St., San Roque, Brgy. Bagong Pagasa, ganap na alas-2:10 ng hapon.
Nagpapatrulya umano sina PO1s Jay Ar Fullgar at Neil Agbayani sakay ng isang mobile car sa Edsa North patungo ng Philippine Women’s University nang parahin sila ng biktimang si Megano at humiÂngi ng tulong kaugnay sa panghoholdap sa kanya ng dalawang lalaki na armado ng baril.
Agad na sinamahan ng mga pulis ang biktima sa paghahanap sa mga suspek kung saan nila naÂkita ang mga ito na tuÂmatakbo sa direksyon ng Sampaguita St. San Roque 2, Brgy. Pagasa, pero sa halip na sumuko ay nakipagpalitan ng putok sa mga awtoridad na nagresulta ng kamataÂyan ng isa sa kanila.