Bebot tinodas ng nobyo sa banyo

MANILA, Philippines - Sa loob ng kanilang banyo binaril at napatay ng isang 27-anyos na la­laki ang nobyang dancer matapos ang mainitang pagtatalo dahil sa selos naganap kamakalawa sa Pasay City.

Ang biktima na natagpuang patay sa loob ng banyo ay kinilalang si Jayel Stacy Pacencia, 24, nagtratrabaho bilang dancer sa Beiruth KTV Bar sa EDSA Avenue, Pasay City  at nakatira sa #405 Tenement Building, Barangay Western Bicutan, Taguig City.

Ang suspek na pinag­hahanap ng pulisya ay nakilalang si John Tapmus, 27, residente ng 179 Protacio St., Pasay City.

Batay sa ulat, dakong alas-11:00 ng gabi nang madiskubre ng ina ng suspek na si Sandra, 44-an­yos, sa pag-uwi niya sa bahay mula sa pamimili sa grocery ay napansin nitong hindi mapakali ang anak at makalipas ang ilang minuto ay dali-dali itong umalis.

Nang tanungin ng ginang ang manugang na si Ronnie kung anong nangyari at bakit may tama ng bala ng baril ang kanilang banyo ay sinabi nito na narinig niyang nag-aaway ang biktima at suspek  hanggang sa makarinig ng putok ng baril.

Kaya’t agad na nagtungo si Gng. Sandra sa banyo at nakita ang biktima na nakahandusay at wala ng buhay kaya’t.ipinagbigay alam ang insidente.

Lumalabas sa imbes­tigasyon na selos ang dahilan ng insidente matapos na mabalitaan ng suspek na may nanliligaw sa biktima na kanyang nobya. 

 

Show comments