MANILA, Philippines - Tinawag kahapon ni Sen.Tito Sotto ang Filipino consumers na pinaka-naabusong consumers sa buong mundo matapos matuklasang hindi lang pala ang corporate income tax ang ipinapasa sa consumer ng Maynilad Water Services Inc. at Manila Water Company Inc. kung hindi pati ang kanilang iba pang operation expenses tulad ng gastos sa foreign trip, entertainment, advertising, pang regalo at iba pa.
Ayon kay Sotto na mahalagang matutukan at mabantayan nang husto ang usapin hanggat wala pang konkretong aksyong nagagawa para maitama para na rin sa kapakanan ng publiko.
Minsan na aniya itong ginawa ng Meralco, ang pangunahing nagsu-supply ng kuryente sa bansa kung saan maging ang gastos sa golf, tennis at sa Meralco Theatre na pag-aari ng kompanya ay ipinasa sa mga consumers.
Ayon naman kay Senator Gringo Honasan na sobra na ang pagsasamantala sa mga water consumers kayat mahaÂlagang maimÂbestigahan para malaman kung may kinakailangang maipasang batas para ito ay maiwasto.
Ibinunyag ng consumer advocacy group na Water for the People Network (WPN) na ipinapasa ng Maynilad at ng Manila Water ang kanilang income taxes sa mga water consuÂmers kung saan umabot umano ito sa P15.5 bilyon sa pagitan ng 2008 hanggang 2013 o P3.1 bilyon kada taon.