Maker ng pekeng Napolcom entrance exam rating nalambat

MANILA, Philippine s- Nalambat ng mga oto­ridad ang isang 32-anyos na lalaki na gumagawa ng mga pekeng National Police Commission (Napolcom) exam rating at iba pang do­kumento kahapon ng umaga sa Claro M. Recto, Sta. Cruz, Maynila.

Ang suspek ay kinila­lang si Robert Estanol, residente ng no.1751 C.M. Recto Ave., Sta. Cruz, May­nila.

Batay sa ulat, bago na­dakip ang suspek dakong alas-10:30 ng umaga sa lugar ay nagsagawa muna ng surveillance ang MPD kasama ang mga tauhan ng Napolcom at dito ay nag­panggap ang tauhan ng MPD-Counter Intelligence and Security Branch (MPD-CISB) na si PO2 Aaron Qui­ling, para sa Napolcom document.

Nagbayad si Quiling ng halagang P600 para sa nasabing dokumento at 4 na oras ang kaniyang hinintay nang matapos ang dokumento.

Nang mahawakan ng sus­pek ang bayad kay Qui­ling ay dito na siya inaresto ng mga otoridad.

Sinabi ni P/Insp Consor­cio Pangilinan, hepe ng (CISB-DID/D2) nagsagawa sila ng operasyon bunsod ng kautusang ibinaba ni NAPOLCOM-NCR Regional Director Yolan­da Lira, hinggil sa mga nag­kalat na pekeng NA­POLCOM Entrance Exa­mi­nation na kung hindi ma­sasawata ay maaaring madagdagan ng mga bugok na pulis ang PNP.

Nakuha sa suspek ang mga pekeng doku­men­­to kabilang ang NA­POL­COM Report Rating, NAPOLCOM Cer­tifica­tion, PNP Entrance Report Ra­ting at P600 na ginamit sa entrapment.

 

Show comments