Seaman tinodas habang pauwi

MANILA, Philippines -Pinagbabaril ang isang 39-anyos na seaman ng isang lalaki habang ito ay naglalakad sa kanilang subdivision pauwi sa ka­ni­lang bahay kamakala­wa ng gabi sa Brgy. Oso­rio, Trece Martirez City, Ca­vite.

Namatay noon din ang  biktima na nakila­lang si Edgar Galon, may-asawa, residente ng Blk. 5, Lot 69, Summerfield Subdivision ng nasabing barangay.

Batay sa ulat, dakong alas-9:00 ng gabi ay nag­lalakad ang biktima sa nasabing lugar nang ito ay harangin ng isang hindi pa nakilalang lala­ki at sunod sunod na pi­na­pu­tukan.

Nang masigurong patay na ang biktima ay mabilis tumakas ang sus­pek.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kung ano ang motibo ng pagpa­tay sa biktima.

Show comments