Petron nagtaas ng presyo sa auto-LPG at kerosene

MANILA, Philippines -Bagama’t nagrolbak sa presyo ng langis ay mistulang binawi naman ng Petron Corporation ang kanilang presyo sa kerosene at Auto-LPG (liquefied petroleum gas) kahapon.

Sinimulan kahapon ng Petron Corporation ang pagtataas ng halaga ng kanilang cooking gas sa halagang P2.50 kada kilo o katumbas ng halagang P17.50 sa kada 11-kilong tangke.

Sinabi pa ni Raffy Le­desma, Communi­ca­tions Strategic chief ng Petron, itinaas din nila ang halaga ng kanilang auto gas kahapon sa halagang P 1.56 kada litro.

Ang patuloy anya ng pagtaas umano ng con­tract price ng LPG sa pan­­daigdigang pamilihan ang dahilan ng pagtataas nila ng presyo sa kabila naman ng pagbaba sa presyo ng gasolina at die­sel.

Show comments