7 kawani sugatan sa granada

MANILA, Philippines - Isang bus na pag-aari ng Phil. Fishe­ries Development Authority (PFDA) ang grinanada na ikinasugat ng pitong kawani na naganap sa kahabaan ng Tetuan high­way, Brgy. Tetuan, Zamboanga City ka­hapon ng umaga.

Ang mga nasugatan ay kinilalang sina Luciano Jelaga; Ombre Hamsirani; Orly Villareal; Emil Anita; Jaafar Hassan; Emil Anitan at Eugene Lozano; pawang empleyado ng Sangali Fishing Corporation na isinugod sa iba’t ibang  pagamutan ng Zamboanga City.

Batay sa ulat, bandang alas-7:15 ng umaga ay kasalukuyang minamaheno ng driver na si Jaime de la Rosa ang service bus (SCN-997) ng nasabing kum­panya sakay ang mga empleyado nito na papasok sa trabaho nang hagisan  ng granada ng hindi pa nakikilalang mga kalalakihan  pagsapit sa harapan ng Coca-Cola Plant sa nasabing lugar.

Isang malakas na pagsabog ang yu­manig na ikinasugat ng pitong emple­yado.

Patuloy ang imbestigasyon kung ang motibo ng pag-atake ay extortion.

Show comments