MANILA, Philippines - Isang grupo ng transportasyon ang nakatakdang maghain ng petisÂyon sa Korte Suprema upang magpalabas ng “temporary restraining order (TRO)†laban sa implementasyon sa probisyon na nagbabasura sa drug test sa pagkuha ng lisensya sa ilalim ng ipinasang batas na “Anti-Drunk and Drugged DriÂving Actâ€.
Sinabi ni Atoy Sta. Cruz, pangulo ng motorcycle Federation of the Philippines, na magtutungo sila sa Lunes sa Korte Suprema upang isampa ang kanilang petisyon laban sa batas na nilikha ni Senador Tito Sotto.
Sinuportahan naman ito ng grupong Alliance of Concerned Transport Operators (ACTO) at Pasang-Masda na kapwa nagsabi na pag-aaralan ng kanilang abogado at posibleng magsanib para sa iisang petisyon para harangin ang probisyon.
Ayon kay ACTO President Efren de Luna, walang ginawang public consultation ang Senado bago ipinasa ang batas kaya hindi nakuha ang saloobin nilang mga tsuper.
Noong ginawa ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, kasama ang mga transport groups sa ginawang konsultasyon na kanilang sinang-ayunan naman ang drug testing sa pagkuha ng lisensya upang magkaroon umano ng prebensyon sa mga aksidente na idudulot ng mga adik na mga tsuper.
Sa pagbuwag sa mandatory drug testing, nagdiriwang umano ang mga drug lords, pushers at users dahil sa malaya na silang makakapagmaneho.
Idinagdag pa nito na maaaring pag-ugatan ng korapsyon ang probisyon na saka lamang isasailalim sa drug test o alcohol test ang isang tsuper na masasangkot sa aksidente dahil sa taas ng multa.
Ayon pa sa mga transport groups, kung nais umano ni Sotto na makaÂtulong sa mga tsuper na mabawasan ng gastusin ay dapat lumikha ito ng probisyon na sagutin ng pamahalaan ang gastos sa drug testing at higpitan ang mga drug testing centers sa kanilang implementasyon upang magkaroon ng maayos na resulta at mawala ang hinala na nagkakaroon ng palusutan.