MANILA, Philippines - Sinapian umano ng masamang espiritu ang may 20 babaeng estudyante ng Isaac Lopez Integrated School sa Barangay Vergara, Madaluyong City kahaÂpon kaya’t sinuspinde ang klase sa buong paaralan.
Sa salaysay ni Edith Septimo, Assistant PrinciÂpal ng paaralan, nagsisigaw, nanlilisik ang mga mata at malalakas ang mga estudyante na nasa grade 8 o second year na pawang nagwawala
haÂÂbang sila ay nagkaklase sa loob ng kanilang silid aralan ganap na alas-10:00 ng umaga kahapon.
Isang Pastor Boyet Siongco ang nagtungo sa lugar at dinasalan ang mga sinapian hanggang sa
unti-unting nahimasmasan, nanlambot at sinabi na hindi nila alam kung ano ang nangyari sa kanila.
Ayon kay Pastor Boyet, posible umanong may naÂgambalang espiritu sa ginagawang konstruksiyon sa gym sa paaralan dahil may ilang puno ang naputol ang mga trabahador.
Ayon naman sa isang sinapian na itinago sa pangalan Rona, may nakita umano siyang baÂbaeng matangkad na nakaitim na naglakad sa kanilang silid-aralan sa ikaapat na palapag hanggang sa hindi na niya makontrol
ang kanyang sarili at hindi na rin alam ang sumunod na nangyari.