MANILA, Philippines - Aprub kay Senator FranÂcis “Chiz†Escudero na kilalang naninigarilyo ang pag-regulate ng electronic cigarette na ipinagbabawal na rin sa ibang bansa tulad sa Singapore.
Sinabi ni Escudero, panahon na para tingnan ng Department of Health (DOH) kung anu-ano ang masamang idinudulot ng e-cigarette na kalimitang tinatangkilik ng mga nais makaiwas sa totoong sigarilyo na mayroong nicotine.
“Sa ilang bansa bansa pinagbabawal na yan, sa SinÂgapore alam ko bawal yan, in fact pag nahulihan ka kinokonsider nilang vioÂlation ng ordinance,†ani Escudero.
Una nang hiniling ng PhiÂlippine Pediatric SoÂciety (PPS) sa gobyerno na ipaÂtigil ang paggamit ng e-cigarette dahil hindi umano sakop ng Republic Act 9211 o ang Tobacco Regulations Act na kahit mga bata o menor-de-edad ay nakakaÂbili at nakaÂkaÂgaÂmit.