Grade 6 pupil dedo sa kidlat

MANILA, Philippines -Isang Grade VI pupil ang tinamaan ng kidlat habang nasa bisinidad ng kanilang paaralan sa Brgy. Nazareth, Kabasalan, Zamboanga Sibugay kamakalawa ng hapon.

Hindi na umabot ng buhay sa Pathfinder Estate Hospital ang biktimang si Alberto Selen Jr., 13-anyos, ng Nazareth Elementary School, sanhi ng grabeng pagkasunog ng katawan nito.

Base sa report, dakong alas-4:30 ng hapon ay nag­lalaro ang biktima sa labas ng kanilang silid-aralan kasama ang dalawa nitong kamag-aral nang biglang umambon at kasunod nito ay isang malakas na kidlat ang sumapul sa katawan ng biktima.

Nabatid na kapapasok lamang sa loob ng silid-aralan ang dalawang kamag-aral ng biktima matapos na umambon at nasa hulihan ito nang ta­maan ng kidlat. Agad natumba ang biktima na nagtamo ng grabeng sunog sa kaniyang katawan bunga ng insidente.

Show comments