MANILA, Philippines -Hindi nakalusot sa closed circuit television (CCTV) caÂmera ang isang sekyu habang kitang-kitang kung paano pagnakawan ang binabantayang kumpanya kahapon sa Quezon City.
Ang suspek ay kinilaÂlang si Joel Presente, 37, may-asawa ng no. 3 Brgy. Parada, Sta. Maria, BulaÂcan matapos na ireklamo ng representative ng kumpanyang QC Styro Packaging Corporation na si Eduardo Duran, 50, machine shop supervisor.
Sa ulat, ang suspek ay anim na buwan nang nalilingkod bilang security guard ng nasabing kumpanya na matatagpuan sa no.1200 MCY Bldg., Edsa Brgy. Bahay Toro.
Nagbabantay ang susÂpek sa gusali at nang maÂkakuha ng tiyempo ay saka sinimulan ang pagnanakaw sa pagitan ng alas-3:00 hanggang alas-3:30 ng madaling-araw na kung saan ay kitang kita sa CCTV ang ginagawang pagÂnanakaw dahilan para siya ay arestuhin.
Tinangay ng sekyu ang limang set ng fruit juice cup molds (P330,000); isang set ng ice monster molds (P60,000); tatlong piraso ng bowl molds (P90,000); isang piraso ng EPS cup mold (P25,000); at isang piraso ng insert mold (P7,500).
Hindi na narekober ng mga otoridad ang mga nasabing items sa susÂpek.