Pinagmumura at pinagbabato… Ginang pinatay ng 80-anyos na ama

MANILA, Philippines -Napatay ng isang 80-anyos na ama ang kanyang 36-­anyos na anak na babae nang saksakin niya ito sa leeg bilang ganti sa gi­nawang pagmumura at pagbato sa kanya nito kasama ang mister matapos ang mainitang pagta­talo kamakalawa sa Brgy.Pencisa Lamaya, Sergio Osmeña Sr., Zamboanga del Norte.

Namatay noon din ang biktima na si Erlinda Calunsag sa tinamong saksak sa leeg mula sa 9 pulgadang patalim.

Kusang loob namang sumuko dakong alas-7:20 ng gabi sa otoridad ang suspek na si Mateo Solis, biyudo na sinamahan sa himpilan ng pulisya ni Brgy. Chairman Rodolfo Omandam.

Batay sa ulat, bago na­ganap ang insidente bandang alas-5:00 ng hapon ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng ma­tanda at ng manugang nitong si Eddie Calunsag, 42-anyos at kinampihan ng ginang ang mister at pi­nagmumura rin ang ama.

Ayon kay Inspector Jaime Tanola, Deputy Officer in Charge ng Sergio Osmeña Police, sinipa ng mag-asawa ang matanda at binato pa ito kung saan nagtatakbo ang matanda  ay hinabol pa ng mga ito upang bugbugin umano.

Sa puntong ito ay binu­not ng matanda ang pa­talim na nakasukbit sa ka­niyang baywang at ng sugurin ng anak ay tinarakan niya ito sa leeg na siya nitong agarang ikinasawi habang nagawa namang makatakbo ng mister nito.

 

Show comments