Drilon hindi pa sigurado bilang SP

MANILA, Philippines -Sinabi kahapon ni Senator Manny Villar na hindi pa 100% sigurado na susunod na magi­ging Senate President si Senator Franklin Drilon sa kabila ng kowalisyon ng Liberal Party at Nacionalista Party (NP).

Anya, bagaman at pangalan pa lamang ni Drilon ang lumulutang sa ngayon kahit na sinong senador ay puwedeng lumaban sa pagka-SP sa pagpasok ng susunod na Kongreso kabilang na ang isa sa mga miyembro ng NP sa Senado.

Hindi pa rin umano tiyak kung nakuha na ni Drilon ang mayorya ng mga senador.

Idinagdag ni Villar na wala namang “finality” hangga’t hindi nagaganap ang pagluklok ng bagong Senate President. 

Inamin din ni Villar na sa ngayon bilang lider ng NP ay iniintindi rin niya ang mga ko­mite na dapat mapunta sa mga miyembro ng kanilang partido.

Show comments