Baguhang solons, excited na

MANILA, Philippines -  Excited na umano ang mga first time solons sa kanilang kakaharaping trabaho sa Kamara.

Sinabi ni Camarines Sur Rep. Leni Robredo, na marami siyang matututunan sa apat na araw na  Executive Course on Legislation na inorganisa ni House Speaker Feliciano Belmonte at ng University of the Philippines-College of Public Administration.

Dahil sa marami umano siyang matututunan sa kurso mas magandang narinig mismo sa mga beteranong kongresista ang dapat nilang gawin bilang miyembro ng Mababang Kapulungan at kinatawan ng kanilang distrito.

Para naman kay Quezon City Rep. Alfred Vargas bagama’t nagsilbi na siyang konsehal ng lungsod ay mas mala­king hamon umano ang naghihintay sa kanya sa Kamara.

Layuin ng 4-day orientation na tulungan ang mga baguhang solons maunawaan ang le­gislative process upang magampanan nila ng maayos ang papel bilang mambabatas.
 

 

Show comments