MANILA, Philippines - S a gitna ng paghahanda ng Philippine Air Force sa pagdaraos ng ika-66th nitong anibersaryo ng pagkakatatag ay nabahiran ito ng trahedya matapos na bumagsak ang isang OV10 bomber plane kamakalawa ng gabi sa karagatan ng Palawan na kung saan ay nawawala ang dalawang piloto.
Pansamantalang munang tumanggi si PAF Spokesman Col. Miguel Ernesto Okol na tukuyin ang mga pangalan ng dalawang piloto ng 570th Composite Tactical Wing na nakabase sa Puerto Princesa City ng lalawigan habang patuloy ang isinasagawang search operations.
“We have to confirm it (pagbagsak ng aircraft) may narekober na kasing debrisâ€, ani Okol matapos na makuha ng search and rescue team ng Philippine Navy ang nguso ng OV10 #630 sa bahagi ng karagatan may limang nawtikal na milya sa Palawan kahapon ng umaga.
Ayon naman sa sources sa field na mga kasamahang piloto ng dalawang pinaghahaÂnap ay kinilaÂlang sina Lt. May Ybanez at isang tinukoy na Lt. Nacion.
Batay sa ulat, dakong alas-6:37 ng gabi nang magtake-off sa Puerto Princesa City ang dalawang OV 10 bomber plane na may mga tail number 139 na pinalilipad ng mga tinukoy lamang sa apelÂyidong Lt. Marzo at Lt. Padernal at dakong alas-6:30 na pinalilipad naman ng dalawang nawawala para magsagawa ng “night flying proficiency†at dakong alas-7:30 ng gabi nang huling makontak ng Palawan Tower sa OV10 #630 bago ito nawala kung saan ay maayos at ligtas namang nakabalik ang OV 10 #139 matapos ang 53 minuto.
Nagresponde na sa lugar ang patrol gunboat 383 at assault ship 71 ng Philippine Navy para magsagawa ng search and rescue operations.
Dahil sa pangyayari ay grounded na ang 8-12 squadron OV 10 aircraft ng PAF habang bumuo na rin ng Board of Inquiry upang imÂbestigahan ang sanhi ng pagbagsak ng nasabing combat plane.