2 police official pinagbabaril

MANILA, Philippines -  Dalawang police official ang malubhang nasugatan matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga suspek habang hahango sana ng isda sa Navotas City kamakalawa.

Ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng tama ng bala sa katawan sina Police Inspectors Dave Garcia, 36 at Elgie Jacobe, 33.

Sa imbestigasyon ng Navotas City Police, naganap ang insidente dakong alas-1:40 ng hapon habang ang dalawang pulis ay magkaangkas sa motorsiklo at pagsapit ng mga biktima sa Honorio Lopez Boulevard, sa  Barangay North Bay Boulevard South (NBBS) ay binaril  ng suspek ang nakaangkas na si Garcia kung saan tumagos ang bala at tumama sa nagmamanehong si Jacobe.

Nabatid na sumasailalim sa training ang mga biktima sa Camp Crame  kung saan naisipan na humango ng isda sa Navotas City  upang dalhin sa training camp.

 

Show comments