MANILA, Philippines - Binalaan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa HongKong laban sa mga recruiter na nag-aalok sa kanila ng traÂbaho sa Canada.
Ayon kay POEA Administrator Hans Leo Cacdac, ang mga trabaho sa Canada na iniaalok ng Yamsuan and Associates Overseas Employment Services Ltd./Pacific MaÂnagement Services Ltd., ay peke o ‘non-existent.’
Ang babala ng POEA ay kasunod ng report na natanggap nila mula sa Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs (OUMWA) ng Department of Foreign Affairs (DFA) laban sa YamÂsuan and Associates na pagmamay-ari at inu-operate ng Pinoy na nakilalang si Mr. Yamsuan at ang mga staff nito ay pawang mga Pinoy din.
Sinasabing ang natuÂrang recruiter ay mayroong HongÂKong address sa 9th Floor, 4-6 Morrison Hill Road, Wanchai at nagpapaskil ng mga ads sa mga English newspapers sa Hong Kong. Partikular na tinatarget ang mga Household Service WorÂkers (HSWs) para sa mga trabaho sa Canada.
Sa ngayon, anang OUMWA ay may 44 katao na umano’y nabiktima ng Yamsuan and Associates ang naghain ng reklamo sa Philippine Consulate GeÂneral sa HongKong.
Sa reklamo ng mga complainants, pinagbayad umano sila ni Yamsuan ng placement fees ng mula sa US$100 hanggang US$300 kapalit ng trabaho sa CaÂnada.
Nang hindi mag-materialize ang ipinangakong trabaho sa kanila, sumugod ang mga aplikante sa tanggapan ni Yamsuan ngunit bakante na ito at non-opeÂrational.
Pinayuhan din ni Cacdac ang mga aplikante na maging mas vigilante at pag-aralang mabuti ang giÂnagawang pakikipag-deal sa mga recruitment firms.