19 katao nasagip sa lumubog na bangka

MANILA, Philippine s- Isang pampasaherong bangka ang lumubog nang balyahin ng mala­lakas na alon at hangin na kung saan ay masu­werteng nasagip ang may 19 na pasahero naganap kahapon sa karagatan ng Sta. Teresita, Palawan.

Batay sa ulat, bandang alas-7:00 ng umaga nang lumubog ang M/B Salve  na kinalululanan ng mga nasagip na biktima.

Nabatid na ang bangka ay galing sa Dumaran Island at patungong pier ng Sta.Teresita nang maganap ang insidente.

Agad namang nagsagawa ng search and res­cue operations ang mga elemento ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard (PCG) at magkakasunod na nasagip ang 19 pasahero.

 

Show comments