Serial rapist/holdaper idiniin ng mga biktima

MANILA, Philippines - Pinatitiyak ni Manila Mayor Alfredo Lim sa pulisya na hindi makakapagpiyansa ang naarestong serial ra­pist-holdaper na si Mc Yoren Rapis, 23, alyas “Boy P..ke” tricycle dri­ver, at residente ng no.3063 Maliklik St., Gagalangin, Tondo, Maynila.

Ayon naman kay Manila Police District-station 7 chief, P/Supt Roderick Ma­riano ang suspek ay nahaharap na sa kasong rape at attempted rape.

Una nang lumantad kamakalawa ang dalawang biktima na itinago sa pa­ngalang Jenny at Giselle at kahapon ay lumantad ang isa pang biktima na si Ma. Theresa Borromeo, 27, regis­tered nurse at residente ng Unit 3P2 2034 Tomas Mapua St., Sta. Cruz, Maynila na hinoldap ng suspek noong Hunyo 17, alas-10:30 ng gabi at pagkatapos ay ni-rape pa.

Nabatid din sa record ng Rehabilitation Action Center (RAC) ng Manila Social Welfare Department na nakulong na rin si Rapis sa kasong iligal na droga noong ito ay menor de edad pa.

“May iba pa itong ni-rape naghihintay pa kami ng mga complainant sa presinto, bukod sa dalawang biniktima nito. Ang bansag nga nito sa kanilang lugar ay “Boy P..ke” dahil nga sa records nito, pero lu­malakad din ito ng hol­dap, nagsosolo kung lu­makad,” pahayag ni Mariano.

 

Show comments