MANILA, Philippines -Napatay ng mga operaÂtiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isa sa 5 kidnaper habang nailigtas ang kidnap victim na isang overseas Filipino worker sa isinagawang resÂcue operation sa Talisay City, Cebu.
Batay sa ulat, matagumÂpay na nailigtas ng mga ahenÂte ng NBI ang kidnap victim na si Reneboy AgraÂviador, OFW at napatay ang isa sa limang miyembro ng kidnap for ransom group na si Wane B. Tiano.
Naaresto naman ang suspek na si Ronelo Martel Roble, 47, ng Kalinaw 2, San Rafael, Talisay, Cebu haÂbang nakatakas naman ang diumano’y kasabwat na si PO3 Lee Colina, ng PNP Cebu City, at dalawang hindi nakilalang mga suspek.
Sa isinumiteng report ng NBI-Central Visayas Regional Office (CEVRO) nitong nakalipas na Lunes (Hunyo 17) isang Minerva B. Laborada ang humingi ng tulong sa NBI upang mailigtas ang kaniyang live-in partner na si Agraviador sa mga suspek.
Ayon kay Laborada, alas-9:00 ng umaga nang dukutin ng lima katao ang kaniyang kinakasama haÂbang nasa junction ng Rabaya St., Talisay City, Cebu sa highway ng Cebu South Road Properties (SRP).
Tinawagan pa umano siya ng isa sa kidnaper at humihingi ng P50,000 ransom para sa paglaya ng biktima.
Matapos isuplong sa NBI at maikasa ang opeÂrasyon, nakipagkita si LaÂborada sa mga suspek sa Evergreen Cemetery sa SRP, Talisay City, Cebu kung saan isasagawa ang pay-off na lingid sa mga suspek ay naroon din ang mga ahente ng NBI na agad umaksiyon sa pag-aresto, subalit nagkaroon ng palitan ng putok kung saan tinamaan at napatay si Tiano.
May nasugatan din umaÂnong ilang NBI asset sa nasabing operasyon .
Narekober sa kataÂwan ni Tiano ang P50,Â000 at cellphone na ginaÂmit sa pakikipagÂneÂgoÂsasyon, dalaÂwang motorsiklo na ang isa ay pag-aari ng biktima, kalibre .45 pistola, at wallet na may iba’t ibang cards at mga personal na gamit.