2 Minero nalason sa gas

MANILA, Philippines -Nasawi ang dalawang minero matapos silang makalanghap ng nakalalasong gas sa isang pribadong minahan sa Nagawa Bugayong Mine Portal, Brgy. Ampucao, Itogon, Benguet kamakalawa.

Ang dalawang nasawi ay kinilalang sina Simeon Dulawan, 36; at Roy Kilas, 23; pawang mga stay-in na minero sa lugar.

Batay sa ulat, ala-1:45 ng hapon ay pumasok ang apat na minero sa tunnel ng minahan at habang nasa loob ay nakaamoy ang mga ito ng nakalalasong gas kaya nagmamadaling lumabas.

Subalit, nabigong ma­ka­labas ng tunnel ang da­lawang nasawi.

Nagsagawa ng retrie­val operations ang mga oto­ridad at naiahon ang bangkay ng mga biktima pasado alas-8:55 ng gabi.

Show comments