MANILA, Philippines - Hindi sukat akalaÂin ng isang ginang na may kapansanan sa pag-iisip na ang pagsilong niya sa barangay hall dahil sa baha ang magiging dahilan ng kanyang kapamahakan matapos halayin ng barangay tanod na naganap noong Hunyo 14 sa Project 3, Quezon City.
Ang suspek na inaresto ay nakilalang si Jericho Bellen, 34, may-asawa, residente ng #87 Batino, Brgy. Amihan ng nasabing lugar na nahuli ng isang 74-anyos na si Aling Jesusa sa aktong ginagahasa ang 46-anyos niyang anak na itinago sa pangalang Joan, na may kapansanan sa pag-iisip
Agad na tumakbo papalabas ng barangay si Aling Jesusa at humingi ng saklolo kay PO2 Renato Martin at barangay tanod na malapit sa barangay hall at ipinaaresto ang suspek.
Sa panayam kay Jess Santos, Executive officer ng barangay, napunta umano ang biktima sa kanilang barangay hall matapos na makisilong matapos bahain ang kaniÂlang bahay ng hanggang dibdib ang taas.
Kaya naman, pansaÂmantalang kinupkop ang biktima habang ang nanay nitong si Aling JeÂsusa ay inaasikaso ang bahay nilang binaha.
Sinampahan ng kasong rape ang suspek na nakapiit na sa himpilan ng pulisya.