Electrician tigok sa hit and run

MANILA, Philippines - Tigok ang isang electrician matapos mabundol at takasan ng hindi pa batid na driver at sasakyan nito habang ang biktima ay papatawid sa Aguinaldo Hi-way, Brgy. Biga 1, Silang Cavite kahapon ng madaling araw.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jefferson Veron 32, residente ng Purok 2, Brgy. Biga 1 ng nasabing bayan.

Hindi naman nakilala ang suspek gayundin ang sasakyang nakabundol sa biktima dahil tumakas ito matapos ang aksidente.

Batay sa imbestigasyon ni PO2 Nelvin Santos Trajico, may hawak ng kaso, ganap na ala-1:30 ng madaing araw ng maganap ang insidente habang  tumatawid ang biktima sa Hi-way ng bigla itong salpukin ng hindi pa batid na sasakyan.

Tumilapon ang biktima at unang bumagsak ang ulo sa sementadong kalsada habang ang driver ng sasakyan ay hindi man lamang huminto.

Show comments