MANILA, Philippines - Sa halip na gumastos ay kumita pa ang ilang senatoÂrial canÂÂdidates na lumahok sa naÂkalipas na mid-term elecÂtion.
Ito ang natuklasan ng pamunuan ng Commission on Election (COMELEC) matapos na isumite ng mga senatorial candidates ang kani-kanilang mga Statement of Elections Contributions and Expenditures (SECE) ng mga lumahok sa katatapos na halalan.
Base sa kopya na ibinahagi ng COMELEC, lumalabas na kumita si Senator elect Nancy Binay ng P8-milyon mula sa campaign contributions na tinanggap nito na kabuuang P136,869,398.78 ay P128,695,057.10 lang ang ginastos para sa kampanya.
Si Bam Aquino ng Team PNoy ay kumiÂta ng P1.1 milyon, P125,ÂÂ493,000.00 ang kaÂÂbuÂuang contribution na tinanggap nito ngunit P124,327,987.81 lang ang giÂnastos sa kampanya.
Kahit natalo sa halaÂlan, kumita rin ang indeÂpendent candidate na si Ramon Montaño mula sa tinanggap nitong contributions. Kumita pa ito ng P5 milyon dahil P1,383,000.00 lang nagastos nito sa kampanya gayong tumanggap ito ng kabuuang P6,629,175.00 na kontribusyon.
Kapansin-pansin naman ang mahigit P39 milÂyon na ginastos ni Jamby Madrigal at walang tiÂnanggap na kontribusyon at natalo sa nakalipas na mid-term election.
Wala ring tinanggap na contribution sina Ricardo Penson, Samson Alcantara at Christian Señeres.
Gumastos si Penson ng P19,698,760.45, si Alcantara ay P344,459.07 habang P338,205.24 si Señeres.
Si Cynthia Villar ay guÂmastos naman ng P133,Â979,127.25 sa kampanya habang tumanggap naman P2,613,454.41 na kontribusyon.
Kaugnay nito ay sinabi ni COMELEC Chairman Sixto Brillantes na maaaÂring angkinin ng mga kandidato ang hindi nagastos na donasyon dahil itinuturing na kita nila kaya papatawan ito ng buwis ng gobyerno.