Kano pumalag sa 3 holdaper

MANILA, Philippines - Lumaban ang isa sa dalawang American national sa tatlong holdaper kung kaya’t nabigong makuha ang dala nitong bag na naglalaman ng laptop computer kahapon ng umaga sa Pasay City.

Sa salaysay sa pulisya ng mga biktimang sina Michael Turner, tubong Calfornia, USA; at Filipino-American Jaime Tubalinal, 52, tubong Nueva Ecija na dakong alas-5:00 ng umaga ay naghihintay sila ng masasakyang bus sa may EDSA cor. Celle St., patungong Ninoy Aquino International Airport dahil sa papauwi sa Estados Unidos si Turner makaraang magbakasyon nang holdapin ng tatlong suspek. Nanlaban si Turner at humingi ng saklolo na nakakuha ng atensyon sa taumbayan sa lugar kaya’t nagsitakbuhan ang mga suspek.

Show comments