Mining firm walang kasong kinakaharap

MANILA, Philippines - Pinabulaanan ng mining company na Investwell Resources, Inc. (IRI) ang akusasyon sa kanila na inisyuhan sila ng mining permit ng gobyerno, sa kabila nang mayroon pa silang kinakaharap na kaso.

Ang pahayag ay ginawa ng IRI matapos na magpalabas ng press statement ang isa ring mining firm na humihiling sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na bawiin ang kanilang mining permit.

Giit ng IRI, malisyoso ang akusasyon at nilinaw na wala silang kasong kinakaharap sa gobyerno dahil sila ay ibang kumpanya sa Investwell Minerals Development Corp.

Nilinaw rin ng IRI na ang inaprubahan lamang ng DENR ay ang Deed of Assignment ng MPSA (Mineral Production Sharing Agreement) ng ibang kumpanya na Tran-Asia sa IRI, at hindi pa ito ang permit para sa large-scale mining operations na nais nilang pasukin.

Isinumite umano nila ang naturang Deed of Assignment para ma-review at maaprubahan ng DENR noon lamang Nobyembre 8, 2011, at inabot pa umano ng 14 na buwan bago ito tuluyang naaprubahan.

 

Show comments