Taal volcano muling nag-alburoto

MANILA, Philippines - Nag-alburoto ulit ang bulkang Taal sa Batangas  matapos makapagtala ng siyam na pagyanig sa paligid nito sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa  Philippine Institute of Volcanology and  Seismology (PHIVOLCS), dakong alas-8:00 ng umaga naitala ang pagyanig sa paligid ng bulkang Taal matapos ang panibagong pag-aalburoto ng bulkan.

Sinabi ng Phivolcs na dahil sa insidenteng ito,  tumaas din ang water tempe­rature sa paligid ng bulkan mula sa 33.0°C ay umabot ito sa 33.9°C. Nabatid  pa  sa  Phivolcs na  nakataas  pa rin sa  alert  level 1 ang paligid  ng bulkang  Taal  kayat patuloy na ipinagbabawal ang paglapit ng mga tao sa loob ng  6 kilometer  Permanent  Danger Zone (PDZ) para makaiwas sa peligro dulot ng bulkan.

Show comments