Estudyante, pinabulagta

MANILA, Philippines - Bulagta ang isang 16 anyos na estudyante matapos itong pagbabarilin  ng hindi pa nakikilalang mga armadong salarin sa Brgy. Labakid, Jose Dalman , Zam­boanga del Norte, ka­ma­kalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Darwin Gonom, binata at residente ng nasabing lugar, dead-on-the-spot sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO), naganap ang pamamaslang sa biktima bandang alas-8:00 ng gabi sa nabanggit na lugar.

Ayon sa imbestigas­yon, kasalukuyang nagla­lakad ang biktima sa nasabing lugar pauwi sa kani­lang tahanan ng harangin at pagbabarilin ng mga ar­madong lalaki .

Bago tuluyang tuma­kas ay muling pinagba­baril ng mga suspek ang biktima na nasawi noon din sa insidente sa dami ng mga tama ng bala na naglagos sa katawan nito.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang mga basyo ng bala ng cal. 38 revolver. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa kasong ito upang matukoy at mapanagot sa batas ang mga salarin.

Show comments