Farm owner nilikida

MANILA, Philippines -Pinagbabaril ang isang 73-anyos na lalaking  farm owner ng hindi pa nakilalang suspek habang bumibisita sa kaniyang lupain  sa bayan ng Jose Dalman, Zamboanga del Norte kamakalawa.

Namatay noon din ang biktima na si Quirico Tumala Amis, ng Brgy. Tamil, Jose Dalman na sanhi ng tinamong tama ng bala sa kaniyang leeg na naglagos sa bibig.

Sa ulat, bandang alas-5:30 ng hapon ay binisita ng biktima ang kanyang mga pananim na may ilang metro ang layo sa bahay nito sa Brgy. Tamil nang makarinig ng mga putok ng baril ang pamilya nito.

Agad namang napasugod sa kanilang bukirin ang pamilya ng biktima at dito na nila nakita ang duguang matanda na umaagos ang dugo mula sa leeg nito.

Show comments