MANILA, Philippines -Nagkaroon ng sagupaan ang mga tropa ng paÂmahalaan at mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa isang liblib na lugar sa Brgy. San Isidro, Lianga, Surigao del Sur kamakalawa ng hapon na ikinasawi ng dalawang sundalo.
Batay sa ulat, bandang alas-2:00 ng hapon nang makasagupa ng tropa ng Army’s 29th Infantry Battalion (IB) habang nagsasagawa ng combat opeÂration ang grupo ng mga rebelde na nagresulta sa bakbakan.
Tumagal ng mahigit limang minuto ang palitan ng putok na ikinasawi ng dalawang sundalo na hindi muna tinukoy ang pagkakakilanlan dahilan kailaÂngan pang impormahan ang pamilya ng mga ito.
Nagpapatuloy naman ang hot pursuit operations ng tropa ng pamahalaan laban sa grupo ng mga reÂbelde.