MANILA, Philippines - Namatay noon din ang isang 56-anyos na lalaki matapos itong mabuwal at humampas ang mukha sa semento habang aakÂyat sana ng ligaw sa isang babae na kanyang napuÂpusuan naganap kahapon ng umaga sa Malabon City.
Ang nasawi ay kiÂniÂÂlaÂÂÂlang si Leandro Gatica, ng Sitio Rosal, BaÂranÂgay Maysilo ng natuÂrang lungÂsod.
Sa salaysay ng isang Lourdes Toralba, 39, ng Hernandez St., BaÂranÂgay Catmon na dakong alas-11:00 ng gabi ay aakyat sana ng ligaw sa kanya ang biktima na noon ay lasing.
Habang paakyat na sa hagdanan ng bahay ni Lourdes ay nabuwal ito at humampas ang mukha semento.
Inalalayan ni Toralba ang biktima at habang nakaupo ay inaya sa loob ng kanilang bahay, subalit tumanggi ito at nagsabing uuwi na lang.
Nang hindi makumÂbinsi ang biktima na puÂmasok ng bahay ay iniwan ito ni Lourdes hanggang sa makatulog.
Bandang alas-5:00 ng umaga ay nakita ang biktima na patay na haÂbang nakaupo kung saan ito iniwan ni Lourdes.