65-anyos tumalon mula sa footbridge

MANILA, Philippines - Nabasag ang ulo at nasawi habang ginagamot sa Manila Central University (MCU) Hospital ang isang 65-anyos na lalaki matapos itong lumundag mula sa isang footbridge ka­hapon ng umaga sa EDSA, Caloocan City.

Ang nasawi ay kinila­lang si Marcial Mallo, ng Lansones St., Barangay Potrero, Malabon City.

Batay sa ulat, dakong alas-6:15 ng umaga sa isang footbridge sa kahabaan ng EDSA ng lungsod ay umakyat ang biktima kasama ang apong si John Paul.

Subalit, nang nasa itaas na ay biglang tumalon ang biktima na lumagapak sa sementadong kalsada na naging dahilan upang dalhin ito sa nabanggit na ospital.

Patuloy ang imbestigasyon kung ano ang dahilan kung bakit ang bik­tima ay nagpakamatay.

Show comments