Piped-in-gas system sa Serendra isinara

MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ni Interior and Local Go­verntment Secretary Mar Roxas na boluntaryo ng isinara  ng  Serendra Condominium Corporation na pag-aari ng Ayala Land Incorporation ang buong centralized Liquified Petroleum Gas (LPG) distribution system nito sa Fort Bonifacio Global sa Taguig City.

Ang hakbang ay matapos na mauna ng matukoy na walang bomba at sanhi ng pagsingaw ng Liquified Petroleum Gas (LPG) ang malagim na pagsabog sa condomi­nium unit 501-B ng Two Seren­dra noong Mayo 31 na ikinasawi ng tatlong katao habang apat pa ang nasugatan kabilang ang nangungapahan sa nasabing unit na si Angelito San Juan na kasalukuyang nasa St. Lukes Medical Center sa Fort Bonifacio Global City.

Nabatid na ang buong Serendra condominium ay gumagamit ng LPG piping system sa mga unit nito.

Ayon kay Roxas, baga­man natukoy na  gas leak o mula sa tagas ng LPG   ang ugat ng pagsabog sa Two Serendra condominium ay kinakailangan pa ring  suriin ang buong construction plan ng gusali.

Show comments