Presyo ng krudo muling nagtaas

MANILA, Philippines -Pagkatapos na sunud-sunod na pagbaba sa pres­yo noong nakalipas na mga buwan ay mistulang babawi ang mga oil firms matapos muli nilang itaas ang presyo ng kanilang mga produkto kahapon ng umaga.

Batay sa ulat, dakong alas-6:00 ng umaga nang pangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Chevron Philippines at ng Seaoil Corp. ang pagtataas sa presyo.

Nabatid na nasa P.70 sentimos kada litro ang itinaas ng mga oil companies sa presyo ng premium at unleaded gasoline, at P.40 sentimos kada litro pareho sa diesel at kerosene.

Ang naturang pagtataas ay ikaapat na buhat nang pumasok ng buwan ng Mayo habang wala namang nararanasang rolbak.

Show comments