Bilang ng pasahero sa LRT lumobo

MANILA, Philippines - Tulad ng inaasahan ay lumobo kahapon ang bilang ng mga pasahero sa LRT sa unang araw ng pasukan dahil sa napa­ka­habang pila sa mga is­tasyon.

Nabatid na sa Monu­mento Station, ay umabot ng higit sa 50 metro ang haba ng pila buhat sa pasukan ng istasyon at hanggang sa kalsada ng J.P. Rizal Avenue.

Humaba ang pila dahil sa ipinatutupad na “crowd control” ng LRTA kung saan nililimitahan ang bi­lang ng pasahero bawat “platform” at hindi agad nagpapapasok sa loob.

Ganito rin ang naging sitwasyon sa ilan pang mga istasyon na nagkaroon din ng pila at nawala lamang ang pila pasado alas-9:00 at alas-10:00 na ng umaga.

Sinabi ni LRTA spo­kesman Hernando Cab­rera na ipinatutupad nila ang “crowd control” upang maiwasan ang ka­guluhan sa loob ng mga is­tasyon dahil sa mga nag­­sisiksikan na mga pa­sahero.

Show comments