MANILA, Philippines - Nasindak sa takot ang mga pulis na naka-duty sa QCPD-Fairview Police Station matapos na hagisan ng granada ng hindi pa kilalang suspek na sakay ng isang motorsiklo ang harapan ng kanilang police station na matatagpuan sa kahabaan ng Pearl St., Brgy. Fairview ng nasabing lungsod kahapon ng madaling-araw at sa kaÂbutihang palad ay hindi ito sumabog.
Ayon kay Superintendent Eleazar Matta, hepe ng Fairview Police Station, ganap na alas-2:48 ng madaling-araw nang hagisan ng granada ang kanilang police station na tumama sa salamin ng harapan ng pintuan ng istasyon.
Dagdag ng opisyal, waÂlang nakakita kung sino ang naghagis ng granada kahit ang tatlo niyang tauhan naka-duty nang maganap ang paghagis ng granada.
Sa takot na posibleng sumabog ang granada, agad na itinawag nila ito sa tropa ng Quezon City Police District’s Explosives and Ordnance Division (QCPD-EOD) na nagsagawa ng safe procedure at retrival sa nasabing bomba.
Ayon naman kay Inspector Noel Sublay, hepe ng QCPD-EOD, ang granada ay tunay pero hindi na maaring sumabog dahil tinanggal ang pulbura.