Sunog sa Las Piñas: 5 patay

MANILA, Philippines - Limang katao ang naiulat na nasawi sa naganap na su­nog sa isang kabahayan ka­hapon ng ma­­daling-araw sa Las Piñas City.

Sa sketchy report ng Las Piñas City Fire De­part­ment, kinilala ang mga nasawing sina Erlinda Bautista, nasa hustong gu­lang, na­­tagpuan mala­pit sa banyo ng bahay sa J. Villa­nueva Com­pound, 3rd Street, Baran­gay Ala­­­manza Uno; Ro­del Cunanan; Alvin Lu­len; Rogelio Gunamet at isang hindi pa nakiki­lalang biktima na pawang mga residente sa lugar.

Batay sa ulat, da­kong ala-1:50 ng ma­daling-araw nang mag­simula ang sunog sa pi­nauupahang kuwarto ni Bautista na mabilis kumalat at ka­sa­ma sa nasunog ang apat pang biktima.

Tinatayang aabot sa P1 milyong halaga ng mga ari-arian ang naabo at base sa report ay umabot sa ikatlong alarma ang naturang insidente.

Halos mahigit isang oras bago naapula ng mga bumbero ang sunog na kung saan ay patuloy ang pagsisiyasat sa pi­nag­­si­mulan ng sunog.

 

Show comments