NCRPO naka-full alert sa balik-eskuwela

MANILA, Philippines - Ngayong araw na ito ay isinailalim na sa full alert status ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang kanilang puwersa sa buong Metro Manila kaugnay ng pagbabalik eskuwela ng milyong estudyante.

Ayon kay NCRPO Chief P/Director Leonardo Espina na umpisa alas-8:00 ng umaga ay nasa full alert status na ang kanilang puwersa upang mabigyang proteksyon ang mga mag-aaral na daragsa.

Ang hakbang ay bahagi ng Oplan Balik Eskuwela na nauna ng ikinasa ng NCRPO sa pagbabalikan ga­ling bakasyon ng mga estudyante kaugnay ng pagbabalik eskuwela sa Lunes.

Magdedeploy rin ang NCRPO ng aabot sa 10,000 pulis sa mga university belt, terminal ng bus, paliparan at daungan gayundin sa iba pang mga matataong lugar.

Nagbigay na rin ng direktiba si Espina sa limang District Director sa NCR na tiyakin ang seguridad sa lahat ng mga public transport terminals kabilang rin ang MRT at LRT stations.

 

Show comments