Patay na sanggol ipinaanod sa ilog

MANILA, Philippines - Malaki ang hinala ng pulisya na walang kaka­ya­hang pinansiyal ang ma­gulang kaya’t sa halip na bigyan ng marangal na libing ay ipinaanod na lang sa ilog ang namatay nilang bagong silang na sanggol na babae na natagpuang pa­lutang-lutang sa Pasig River sa bahagi ng Sta. Mesa, Maynila kahapon ng umaga.

Tinatayang nasa 7 hang­gang 9 na buwang sang­gol na natagpuang palu­tang-lutang dakong alas-6:30 ng umaga ng isang tripulante ng Baliwag Tanker ka­ya’t ipinagbigay-alam sa nag­papatrulyang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG).

Ang sanggol ay may nakakabit pang pusod at sa­ri­wa pa ang balat na po­sibleng kalalabas pa la­mang sa sina­pupunan ng ina.

Show comments