Bata nakabitaw sa nanay, utas sa 2 sasakyan

MANILA, Philippines - Isang 7-anyos na ba­tang lalaki ang nasawi matapos itong masal­pok ng isang SUV at nang bu­magsak sa kalsada ay nasagasaan pa ito ng trak naganap kaha­pon ng umaga sa Molino Boulevard, Brgy. Niog, Bacoor City, Cavite.

Ang nasawi ay kinilalang si Redgie Colona, 7-anyos residente ng Barangay Niog 3.

Naaresto naman ang driver ng Fuso Canter truck (ZGN-455) na si Jimmy Esto, 34, residente ng Norsagaray, Bulacan. Habang tumakas naman ang driver ng  To­yota Innova na hindi naplakahan.

Batay sa ulat, dakong alas-9:00 ng umaga ay hawak ng ina ang anak ha­bang sila ay naglala­kad sa gilid ng kalsada nang makabitaw ang bata sa kamay ng nanay at tumakbo sa gitna ng kalsa­da na siya namang pagdating ng Innova at nasalpok at bumulagta sa kalye.

Kasunod naman nito ang mabilis na pagdating ng trak at nasagasaan ang bata.

Show comments