Helper na pumatay sa among Singaporean kilala na

MANILA, Philippines -Kilala na ng Quezon City Police District ang suspek na pumatay sa among negosyanteng Singaporean kamakailan.

Ang suspek ay nakila­lang si Oreste Orejudos Jr, 18, residente sa Doña Ana, Camarin, Caloocan City unang nakilala sa alyas na “JR” na pangunahing suspek sa pagpatay sa among si Lee Choi Ping, na kilala rin sa pa­ngalang Peter Lee, 50.

Pinuntahan na ng mga pulis ang bahay ng suspek sa Caloocan City at nakausap na rin nila ang tatay nito na si Oreste Orejudos Sr., na nagsabing hindi pa nito nakikita ang anak.

 

Show comments