MANILA, Philippines -Namatay sa tabi ng kanyang motorsiklo ang isang police asset nang ito ay pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga suspek na nakamotorsiklo naganap kamakalawa ng gabi sa Payatas, Quezon City.
Ang biktima na namatay noon din ay nakilaÂlang si Roel Toraba, na naÂÂkaÂhandusay sa Payatas Road kasama ang kanyang motorsiklo.
Nasugatan naman ang isang Cherry Lantaca, 37, na tinamaan ng ligaw na bala sa kanang balakang, at naka-confine ngayon sa East Avenue Medical Center.
Batay sa ulat, dakong alas-10:25 ng gabi nang pagbabarilin ang biktima sa Payatas Road kanto ng Maginoo St., malapit sa Payatas Elementary School.
Lumalabas sa imbestiÂgasyon na ang biktima umano ay dating nagbiÂbigay impormasyon sa puÂlisya hingil sa mga nagtutulak ng iligal na droga sa kanilang lugar kaya’t pinalalagay na ito ang dahilan para itumba ang biktima.